ouchie meowchie!
brrrrrrr. katangahan ba ito o ano? nalublob ng kamay ko sa putek na farmer's fluid dahil hindi ko makuha ang sibuyas. ayan tuloy mega paltos ang dalawang daliri ko, daig pa ang napaso sa apoy.
busy na naman as usual dahil sa thesis. good thing may references na kaming nakuha kaya nakatulong na din kahit pa'no.
sa kabuuan, maayos namanang araw ko ngayon. quiz sa genetics.wasted agad sa histo. lab. lunch, tapos nabasag ang ketchup na di ko alam kung bakit. sabi ko 6pm magsisimula na ko sa Chapter 3 kaso ang kama inaya ako e. ayun sumama naman ako. hehehehe. kaya ang 6 naging 9pm na.
brrrrrr ulit. kakatawa ang bagong vid ng mojofly. si lougee syempreang ganda. pero mas eye-catching sina mariel at nina. mukha daw silang mga pokpok tapos may sayaw sayaw pa. Iba talaga tong si Ketone, di ko alam kung anong power meron s'ya e.
hay naku, lilisanin na ata namin ang pinakamamahal naming Balut! Si itay kasi bumili ng bahay sa Novaliches. whew! 5 times bigger than our house! Sabi ni Daddy kahit daw music room pwedeng pagawan. sa totoo lang di naman ako natuwa kasi ayokong iwan ang Balut noh? Pero anong magagawa ko? Daddy's decision is final!
Goodluck sa quiz sa Plant physio at try-outs bukas. Sports na 'to!



1 Comments:
Lolx...
Ello...
Post a Comment
<< Home